Wacky malaki ang pasasalamat kay Vice

At a young age, alam na raw, Salve A., ni Wacky Kiray na siyang hinirang na The Greatest Entertainer in the Celebrity Competition on TV,  I Can Do That, last Sunday (June 5) na big disappointment siya sa kanyang ama, si Ricardo Baloroso, Sr.

Which was understandable, Wacky Kiray realized later. Siya raw kasi ang junior nito pero he turned out to be gay. Ang kanyang ama naman sa kanilang lugar ay itinuring na isa sa pinaka-macho.

Kung anu-anong trabaho ang sinabak ng kanyang ama, mabigyan lang niya ng marangal na buhay ang kanyang pamilya.“Natanim ‘yon sa isipan ko. At gusto ko, na kahit bakla ako, makatulong ako sa aking ama. Sa aming pamilya.

“Itong pagiging bakla ko ang na­ging daan para mapasok akong stand up comedian sa Punchline at Laffline,” pahayag ni Wacky Kiray. “Naging daan din ang pagiging performer ko sa dalawang comedy bars, para mapalapit ako kay Vice Ganda, na graduate rin ng co­medy bars.

“Kaya, nakalabas-masok ako sa ABS-CBN. Occasionally din, nag-eekstra ako sa programang Gandang Gabi, Vice,” patuloy pa ni Wacky Kiray.

Wala si Vice sa live presentation ng I Can Do That nang matawag ang kanyang pangalan ng ABS-CBN Chief Operating Officer of Broadcast na si Cory Vidanes bilang grand winner ng contest. Pero parehong present ang kanyang mga magulang. At proud  na proud  ang dalawa sa natamo niyang tagumpay lalo na ang kanyang ama.

Ayon kay Wacky Kiray mapupunta ang napanalunan niyang P1-M sa maraming pangarap niya sa kanyang ama’t  ina at mga kapatid.

Well, congrats, Wacky Kiray.

https://www.philstar.com/pang-masa/pang-movies/2017/06/05/1707197/wacky-malaki-ang-pasasalamat-kay-vice